Friday, June 20, 2008

hindi aasenso ang mga manloloko...

Hindi aasenso ang mga manloloko.

Hindi ko rin sasabihing 'sana makarma sila'... Pero sana makunsensya sila...
Sabi ng isang officemate ko, hindi raw aasenso ang ganun.

May practice sana sila Yin ngayon ng song para sa Family Day ng Isla Lipana & Co./PricewaterhouseCoopers. Medyo natuloy naman... Nandun si Yin, si Ruthie -isang kasamahan-, at si Steph -anak ng partner ng Transactions Services ng PwC Financial Advisors na si Ms. Jade. Sino ang wala? Ang kapatid ni Shalla na si Samantha, aka Lalai, 8 taong gulang, at maggigitara! (buti pa sya)

Pumasok kasi si Lalai sa school at yun ay natatapos ng 5.30. Umalis naman sila ng bahay ng medyo mas late pa pero mga alas-siyete, o siguro pasado, nakaabot na sila ng LRT sa Buendia-Taft.

Matagal silang hindi nacontact. Namatayan ata ang kapatid ni Shalla ng telepono.

Bago mag alas-nwebe, nakakain na kami ni Yin ng hapunan, binisita namin si Steph sa opisina ng nanay nya na wala noong panahong yun at parating pa lang galing Davao. Sinabihan ko, "magpahinga ka muna, mukhang inaantok ka na". At ang diretsong sagot ng lola nya, "umiyak yan, hindi inaantok". "Po, bakit?" "Tinawagan ng Daddy, susunduin na raw sya, eh gusto pang mag-practice" "Aaaah"...
Nakakapanghinang makakita ng batang naiiyak.

Sa totoo lang, naawa ako, kasi simple lang naman ang gusto ni Steph, magpractice ng kanta.

Nalungkot ako.. ilang minuto ko ring inabangan ang mga kapatid ni Shalla sa labas, sa likod na pinto ng Philamlife, sa harap... tapos umakyat ako ng walang dalang magandang balita dun kay Steph.

Tapos sabi ko kay Shalla "Pano yan?". Ang sagot naman nya, "Hayaan mo. Kung kailangan na nilang umuwi at magpahinga, ok lang... Kasalanan naman ng mga kapatid ko" Napaisip ako, pano kung naliligaw na pala? We can't put the blame on others lagi, di ba? So nagtext back ako, "Try mo ulit i-contact yung kapatid mo, hindi mo alam naliligaw na pala".. AT YUN NGA!!!!!

Umikot-ikot na sila... bumaba ako ulit nung sinabi ni Shallang malapit na raw ang mga kapatid nya at abangan ko ng siguro, may dalang pambayad.... In short, natagalan pa rin sila... hanggang nalaman naming nasa harap, sinundo namin ni Darrel.

Nadiskubreng P320 ang binayad nila sa taxi! RIDICULOUS!!!!! Galing lang sila ng LRT-Buendia. Sakit sa ulo! Inikot-ikot lang sila...

Kung ako ang driver, kung di namin parehong alam ng pasahero, di ko isusugod. Kung di alam ng drayber o pasahero, magtatanong ako sa paligid. Pero hindi ako yun.

Sana lang hindi ako kukuha ng kita ko sa iisang kliyente lang sa pagitan ng panloloko.

Paano tayo aasenso sa pag-iisip na paurong?

Saturday, June 14, 2008

wit bread

hmmm... was thinking...

sabi ni Kim kahapon (she's representing our group next Saturday sa Miss Sportsfest)...

"Iya, can I borrow your wit for a while?"

Ako naman... "..." (huh?) "whaaaat?"

Wala lang... what is wit, really?
Shux... naturingan ba kong witty kasi lagi akong may comeback sa makukulit na tao at ang labas eh makulit din ako na halos laging nagrereact... basta may maisip, sasabihin... madalas panggulo, minsan pangungulit, minsan sadyang Iya lang ang dating?

I know... Sometimes, I'm just... so... me... mi-hihihi.

This is from wikipedia: Wit is a form of intellectual humour. A wit (person) is someone skilled in making witty remarks.

Ahhh... yun pala yun... (As if di ko alam)

Hehe... nakakabobo na to... matutulog na ko... wit ka pa jan...
WIT?! WIT BREAD?!?!

hmmm... wit bread... food for thought... coming soon... how soon? ewan.